Region 6 Websites

"Mangingisdang Direktor para sa Mas Matatag na Balikatan."

Isinagawa ng Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang-Tubig ang CY 2018 Fisherfolk Directors Program - Orentasyon at Oath Taking ng National at Regional Fisherfolk Directors sa Puerto Princesa, Palawan. Ang aktibidad na ito ay paghahanda para sa pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolk Month sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Kabilang ang kinatawan ng rehiyon 6 na si Marilou Lampitoc sa mga nominado sa ginanap na eleksyon ng CY 2018 National Fisherfolk Director at inihalal si Ginoong Alexander Agra ng rehiyon 2 bilang National Direktor para sa taong 2018. Kasunod nito, nagkaroon ng panunumpa ang mga Regional Fisherfolk Directors at kabilang dito ang kinatawan ng rehiyon 6 na si Mangingisdang Direktor Rowel Saldajeno ng San Jose, Antique na nahalal bilang Regional Fisherfolk Direktor sa rehiyon 6 noong Abril 4, 2018.

Binigyang-diin ng bawat nominadong fisherolk direktor sa pag-uusap na kabalikat ang mga mangingisda para sa mas matibay na samahan sa sektor ng pangisdaan at pangangalaga ng yamang-dagat sa bansa.